Kamusta kaibigan at welcome sa pagdating sa aking blog.
Nais kitang icongrats dahil natunton mo ang isang blog na maaaring makatulong sa iyo anuman ang iyong sitwasyon sa MLM na pinasukan mo. Ako nga pala si Rope Domingo Lecciones, 37 taong gulang, ulirang ama sa dalawa kong anak at butihing asawa. Ako'y taga Patnongon Antique.. dati ako sa maynila ngunit lumipat dito sa probinsiya noong akoy binata pa.
My background before-
Upang makatulong sa aking pamilya at kapatid, kung ano-anong raket ang pinasukan ko noon, dati akong naging trabahador at sa kinalaunan ay pinasok ko ang pagnenegosyo upang masuportahan ang sariling pangangailangan. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral sa kadahilanang mahirap ang buhay namin kaya sinikap kong maitaguyod ang buhay namin sa pamamagitan ng pagbebenta, naging isa akong promodiser, sales agent, manufacture representative kaya madali nalang sa akin ang makapagbenta sa tao.
My MLM history-
Nakaraang taon lamang ay naimbitahan ako sa tinatawag na MLM o Networking, iba sa traditional na Direct Selling at kinasanayan kong trabaho na kung saan ay kikita lang oras na makabenta. Na amaze ako sa feature ng NETWORKING dahil kahit sino ay pupuwedeng yumaman. Narealize ko na noong nagtatrabaho pa ako na boss ko lang pala ang pinayayaman ko habang ako ay nagkakanda ugaga magbenta sa tao o trabahuhin ang pinagagawa sa akin.
Excited ako kaya pinaalam ko agad sa sinumang kakilala ko at nakilala ko ang oportunidad na ito na lingid sa kaalaman ko na may mga mali pala akong nagagawa at mga importanteng bagay na dapat malaman. Nagdududa ako dahil parang may kulang, parang di madali pala ang mag MLM at ang upline ko ay tila walang maibigay na kungkreto at mabisang kaalaman para magawa ko ng tama ang negosyo,
Kaya naisipan kong lumipat sa iba dahil sa isang team ay lubos akong umaasa na matutulungan ako dahil napakavery supportive nila sa kanilang mga members.
My Lesson-
Akala ko na madali ang negosyong ito, akala ko na madali pala ang yumaman ngunit marami din palang kailangang isaaalang-alang, mga bagay na siyang magpapaunawa sa iyo, magpapaintindi sayo nang sa gayon ay tumama ang expectation mo at maitama rin ang dapat na ginagawa sa industriya ng MLM.
My Main Mission-
Dahil sa aking mga natutunan sa negosyong ito, naisipan kong bakit hindi ko ishare sa iba ang mga bagay na nagpamulat sa akin, mga bagay na siyang higit na nakatulong sa akin dahil alam kong maraming mga networkers ngayon ang tulad ko ring nag iistruggle at humihinto. Ang layunin ng blog na ito ay ang makapagbigay ng tips sa mga kapwa kong pinoy networkers base sa aking mga natutunan sa negosyong ito.
Lubos akong umaasa na subaybayan mo ang aking blog at matuto ng bago.
Nagpapasalamat, Rope Domingo Lecciones.
No comments:
Post a Comment