Thursday, January 30, 2014

Define SCAM



                         Minsan, excited kang sumali, excited kang gawin ang MLM business mo, pero ang siste.. nung sinabi mo na ito sa parent mo, sa mahal mong magulang...  Bigla kang pinanghinaan ng loob, bigla kang nasaktan, nag-uumpisa nang mangilid ang luha sa mga mata mo...  


"Hay nako'' anak... alam na namin yan'', pag ganyang mga milyon ang kitaan, nako siguradong nanloloko
lang yan, magtigil-tigil ka anak sa kalokohan nayan at mapapahamak ka lang diyan, asikasuhin mo ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa...






Tila parang nawalan ka ng kakampi, nawalan ka ng mga taong magbibigay sana sayo ng tunay na suporta dahil sila ang pinakamalapit sayo...

Dahil lang ba sa maling interpretasyon ay hahayaan mo nalang bang masayang ang pangarap mo? Mga pangarap na di kayang ibigay ng ipapatrabaho sayo.

Ang sumusunod na apat ang ilan maraming mga dahilan kung bakit nagiging negatibo ang tao sa MLM o networking:

* Di lubos na naiintindihan, di alam ang sistema at background - tips ay ipaliwanag ng buo sa negatibong tao ang sistema ng MLM, ipakita ang mga miyembro, ipakita ang mga imahe ng sertipikasyon mula sa DTI, SEC at ibat-ibang ligal na ahensiya ng gobyerno, mas mainam kung ipapakilala sa mga successful upline o coach ng kumpanyang sinalihan mo, mas mainam kung ang kumpanyang sinalihan mo ay multi-awarded, stable at maraming achievements.




* May napagdaanang masaklap na experyensiya sa MLM, maaring naloko, nagantso, napabayaan at tinakbuhan - tips ay magaling ka dapat magpaliwanag, ilahad mo na hindi magkakapareho ang MLM, tulad ng lalaki, di lahat ng lalake ay manloloko...  gumawa ka ng sistema at plano upang di ka maloloko at di karin manloloko, ipakita mo ang mga testimony sa kumpanyang sinalihan mo at sa upline na nagrecruit sayo.



* Naiimpluwensiyahan ng media, kaibigan at paligid- tips ay kailangan mong baliktarin ang mga negatibong itinanim ng iba sa utak ng magulang mo o negatibong tao tungol sa MLM tulad ng pagpapakita ng mga SUCCESSFUL people sa MLM kahit saan pang kumpanya yan, mapa photo o video. Kung nagawa ng iba na impluwensiyahan ang magulang mo o tao ay dapat magawa mo ring ikaw ang muling makakaimpluwensiya.





* May iba na pala silang MLM o loyal na sa ibang company ang parent mo o nagnenegative sa inooffer mo dahil katunggali ka nila kaya nais nila na lumipat ka sa kanila. tips ay huwag kang magpapaapekto, hayaan mo nalang sila, huwag mo nalang silang patulan at kahit sabihing handa ka nilang hugutin sa pinasukan mong kumpanya ay ipakita mo na may loyalty kana dito at irason mo na maaari akong makinig at humingi ng payo pero mananatili ako sa MLM company na pinasukan ko. Mahalagang gawin mo lahat para magtagumpay upang sa huli ay magkaalaman kung sino ba ang tunay na makapagbibigay ng resulta..



Ok na sana kung mga kaaway mo o ibang tao na di mo kilala ang magnenegative sa new career mo pero masakit ang katotohanan na kung minsan ay MAGULANG, KAPATID, KAIBIGAN, KAKLASE, KATRABAHO, KAMAG-ANAK at ASAWA O KASINTAHAN mo pa ang kokontra sayo..

Ano ba talaga ang SCAM? ang imahe sa ibaba ay makakatulong sayo upang maiexplain mo kung ano ang SCAM.



Kasunod nito ay ipakita mo rin ang sistema at scheme sa iyong iyong pinasukang MLM company. Dito ay magagawa mong maidifferentiate ang pinagkaiba ng MLM mo sa tunay na scam.

Dagdag points pangontra negativity ay dapat ang kumpanya mo ay matagal na sa industriya, nakagawa na ng sarili nitong pangalan, may mga achievements na, marami nang branch at napayaman at dapat ay may recognition ng National Government.

Maging isa karin dapat na anti-scam advocator o yung tao o networker na lumalaban sa scam.. makapagbibigay ito ng ediya sa tao na ikaw nga ay di sumasali sa mga scam o hindi nang-iiscam.






No comments:

Post a Comment