Takot ka bang magbenta? Nahihiya ka bang magbenta? Hate na hate mo ba ang magbenta? Bakit maraming tao ang may maling understanding at expectation sa SELLING na tila iilang tao lang ang nakakagawa nito?
"Naku, magbebenta', ayaw ko niyan'..
"Di ako magaling sa ganyan, di ako salesman o saleswoman".
'Di ko pa naranasan sa buong buhay ko ang magbenta o mag-offer sa ibang tao".
Maraming dahilan kung bakit nagnenegative ang tingin ng tao sa pagbebenta:
1. Nakikita nila sa iba, na kung saan may mga salesman o naglalako na laging nirereject.
2. Minsan narin silang nabentahan kung saan ay iniwasan nila ito at pinagtawanan kaya nakikita nila sa iba ang puwede ring mangyari sa kanila.
3. Di sila sanay, di nila kinalakihan o ni kahit minsan ay di nila alam kung paano magbenta kaya natatakot magkamali.
4. Nahihiya sila sa ibebentang produkto, isang halimbawa nito ay kung lalake ka ay uubligahin kang magbenta ng lipstick at make-up.
5. Cheap na klase ng mapagkakakitaan.
Gayunpaman, kahit di paman tayo nagsisimulang magka-isip, alam mo bang magaling na tayong salespeople, tayo ang nagiging daan para makabenta ang mga negosyante at kumita.
Noong sanggol ka palang, ano ba ang mga produktong kailangan mo? diaper, gatas, gamot... oras na kailanganin mo ito at umiyak ka, nauubliga o napipilitan ang nanay mo o tatay mo na bilhin ang mga diaper, gatas at gamot sa tindahan dahil sayo.
Kung maaari lang ay magpapasalamat sa iyo ang manufacturer at tindahan dahil naibenta mo o naipromote mo ang diaper, gatas at gamot ng mga negosyante sa magulang mo para may gamitin ka dahil di mo naman kayang bilhin yon, sanggol kapa, kailangang maibenta mo yon sa magulang mo na may pera para maibigay sa iyo. O' see..
Kahit sabihing natural ay anak ka, isang way yon para magkaroon ng envolvement of selling.
Ngayong nagbinata kana, tapos narin ba ang abilidad mo sa pagbebenta o pagpopromote ng products or service? Definitely NO"...
Isa sa mga the best example is:
Sa paaralan, may nakita kang isang burger stand at sinubukan mong bumili, nasarapan ka at dahil sa sarap at mura pa ay sinabihan mo ang lahat ng kaibigan mo at kaklase mo na bumili rin sila at ang burger stand na iyon ay nakabenta ng marami. Kung hindi dahil sa iyo, di mauubos ang paninda ng may-ari ng burger stand naiyon. Di mo lang alam, ikaw na pala ang kanyang salesman o product promoter, pinopromote mo at ibinibenta mo ang product ng iba at take note, wala ka pang komisyon non.Sa kadahilanang mali ang naging practice ng iilan at mali ang naituro sa iilan, nagiging mali rin ang outcome o resulta.
Para sa iba, hardselling at convincing o forcing people to buy their product ang kanilang nagiging paraan para makabenta at kumita na kung saan nagbibigay ng negative perception sa ibang tao.
Ayaw ng tao pero di aalis ang salesman hanggat di maibebenta ang product nito na walang unique selling proposition kung saan mahal na pero ang ingredient ay makikita lang pala sa bakuran ng bahay ng taong binibentahan. TOTAL failure nga naman.
Mahalagang maunawaan ang attitude na SW4.. some will buy, some won't buy, so what, so whos next...
Ang soft or smart selling ang isa sa mga good practice of selling product to people... dito ay di kailangang mangumbinsi, di kailangang mamilit at takutin ang tao. Professional selling ang tawag dito, abundant mindset..
ILANG TIPS para mapadali ang pagbebenta mo:
1. Kailangang unique ang product mo at may unique selling proposition. Dapat ang product mo ay kakaiba at di madaling makita sa karaniwang pinupuntahan o binibilihan ng tao.
2. Siguraduhin mo na ang product mo ay tutugma sa needs or wants ng costumer mo (ex: Di ka magbebenta ng MEFENAMIC ACID/ANALGESIC sa taong problemado sa katabaan niya, ang kailangan niya ay pampapayat at di para sa masakit ang ulo o katawan.
3. Alamin mo muna ang kailangan ng tao (ex: kung nalaman mong dumaranas pala siya ng constipation ay pagkakataon mong ialok sa kanya ang herbal mo.)
4. Idaan mo sa STORY TELLING at dapat may evidensiya ka na totoo ang story na iyon sa pamamagitan ng mga photos at testimony.
5. Dapat ay consumable ang product na pinopromote mo dahil kung magbebenta ka ng libro o appliances ay di yan basta-basta nawawala liban nalang kung ang taong inalok mo ay nanakawan o nasunugan o nasiraan. Ang mga consumable products ay mabilis na nawawala o nauubos dahilan para bumili ulit ang tao.
Alamin kung ano ang indemand ngayon sa market upang malaman mo kung ano ang mga product na madaling ibenta sa tao.
Gayunpaman, kung iisipin ay marami tayong sinayang na pagkakataon na kung saan lahat ng napopromote nating produkto na di natin namamalayan na nagbebenta napala tayo ay kumita na sana tayo.
Mas madali magbenta sa mga kakilala natin kaysa sa ibang tao kung baguhan palang tayo dahil sa tinatawag na trust.








No comments:
Post a Comment